Isang makabagong proyekto sa Barangay Gallano, Aringay, La Union ang nagbibigay pag-asa sa mga magsasaka sa pamamagitan ng integrated farming.
Sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD Field Office 1, tinutulungan ang mga benepisyaryo sa pamamagitan ng puhunan, pagsasanay, at alagang hayop upang mas mapatatag ang kanilang kabuhayan at mapalakas ang seguridad sa pagkain ng komunidad.
Layunin ng proyekto na gawing mas produktibo at mas makabago ang pagsasaka sa lalawigan habang pinapaigting ang kooperasyon sa mga lokal na magsasaka. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









