Integrated resorts kumita ng ₱93.36B sa unang 6 na buwan ng 2025 — PAGCOR

Dumalo si PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco (ikalawa mula kanan) sa pagbubukas ng Philippine Hotel Connect 2025 nitong Hulyo 24 sa Manila Marriott Hotel, kasama sina TIEZA COO Mark Lapid, PHOA President Arthur Lopez, Tourism Usec. Shahlimar Hofer Tamano, at PHCon2025 Chair Francis Gotianun.

Umabot sa Php93.36 bilyon ang kinita ng mga integrated resort casino sa bansa sa
unang anim na buwan ng 2025, na inaasahang lalo pang magpapasigla sa tourism at
gaming sectors, ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Sa kanyang welcome address sa Philippine Hotel Connect 2025 nitong Huwebes, Hulyo
24, inanusyo ni PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco na ang nasabing kita
ng mga integrated resort casino mula Enero hanggang Hunyo ay halos kalahati ng
kabuuang Php215 bilyon na gross gaming revenues (GGR) ng buong gaming industry.

"Of the Php93.36 billion generated by the integrated resort casinos, Php16 billion was
paid to PAGCOR as license fees, ensuring funding for government social services and
driving the country's economic growth," pahayag ni G. Tengco.

Bukod sa kita para sa gobyerno, sinabi rin niya na malaki ang naitutulong ng mga
integrated resort casino sa pagpapataas ng reputasyon ng Pilipinas bilang patok na
destinasyong panturismo.

"We have seen time and again how a thriving hospitality sector can drive employment,
fuel trade, revive local enterprises, and bridge communities," ani Tengco. "And nowhere
is this more evident than in the huge tourism contributions from our licensed integrated
resort casinos within and outside Metro Manila."

Maliban sa buwis at bayad sa lisensiya, tumutulong din ang mga integrated resort
casino sa pagpopondo ng mga pangunahing ahensya ng gobyerno gaya ng sa
kalusugan, edukasyon, at militar, sa pamamagitan ng kanilang cultural foundations.

"Their contributions are concrete examples of how tourism, hospitality, and
gaming—when aligned and responsibly managed—become a catalyst for national
resilience and progress," dagdag pa niya.

Gayunman, kasabay ng patuloy na paglago ng industriya, binigyang-diin ng opisyal ang
kahalagahan ng mahigpit na regulasyon at pagsusulong ng responsableng pagsusugal
upang mapanatili ang maayos at ligtas na operasyon sa sektor.

Nagbigay ng welcome message si PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco sa unang
araw ng Philippine Hotel Connect 2025 na ginanap nitong Hulyo 24 sa Manila Marriott Hotel.

Kabilang sa mga hakbang ng ahensya ang pagbabawal ng mga patalastas ng sugal sa
mga lugar na dinarayo ng mga menor de edad, pati na rin ang kasunduang nilagdaan
kasama ang Ad Standards Council para sa mas istriktong patakaran sa gaming ads.

"As the gaming industry expands, so must our safeguards," aniya. "Hence, we have
taken a firm stance against the proliferation of illegal and unregulated gaming
operations that offer no safety nets or protection to players and, more importantly, no
remittance or any form of revenue to the government."

Nanawagan namab si G. Tengco ng tuloy-tuloy na pagtutulungan ng gobyerno at
pribadong sektor upang mapanatili ang sigla ng turismo at tiyakin ang pangmatagalang
paglago ng ekonomiya.

"The success of Philippine tourism is a shared journey between regulators and
investors, between public ambition and private innovation," aniya. "PAGCOR will
continue to walk side by side with our partners in building a globally competitive yet
distinctly Filipino tourism and gaming industries."

Ang Philippine Hotel Connect 2025 ay inorganisa ng Philippine Hotel Owners
Association, kung saan nagsama-sama ang mga lider sa sektor ng turismo at hospitality
upang talakayin ang mga pandaigdigang trend, oportunidad, at mga isyung kinahaharap
ng industriya.

Facebook Comments