Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) ang integridad ng halalan ngayong 2025.
Sa New Year’s message ni COMELEC Chair George Erwin Garcia, nasa kamay ngayon ng komisyon ang pagbabantay sa sagradong proseso ng botohan sa halalan sa Mayo.
Aniya, ang halalan ngayong taon ay isa na namang pagkakataon para sa bawat Pilipino na gumawa ng hakbang para sa kinabukasan ng bansa.
Aminado naman si Garcia na maraming kahaharaping pagsubok ang COMELEC ngayong 2025 kabilang na ang makasaysayang Bangsamoro parliamentary elections, ang pagpapadala ng mga makabagong counting machines sa mga lalawigan at ang pagsasagawa ng kauna-unahang internet-based voting para sa overseas Filipino voters.
Ang pagsisikap aniya ng komisyon, kahit ito ay mahirap abutin, ay isang kakaibang pagkakataon para mapalakas ang transparency, gawing makabago ang electoral system at mapaganda pa ang voting experience ng ating mga kababayan.