INTEGRITY REQUIREMENT | IBP, ipinababasura ang petition for quo warranto na inihain ng OSG laban kay CJ Sereno

Manila, Philippines – Maghahain ng motion for intervention ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Kataas-taasang Hukuman na humihiling na ibasura ang petition for quo warranto na inihain ng Office of the Solicitor General laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Ayon kay Atty. Abdiel Dan Elijah Fajardo IBP, National President naniniwala silang sa pamamagitan lamang ng impeachment maaaring matanggal sa pwesto ang isang impeachable officer alin sunod narin sa ating konstitusyon.

Naniniwala din ang IBP na hindi maaaring kwestyunin ang integridad ng punong mahistrado dahil nalalabag nito ang fundamental principle of separation of powers.


Bilang appointee ng dating pangulo, naniniwala ang IBP na na-meet ni CJ Sereno ang integrity requirement.

Sa pagtanggap ng Korte Suprema ng quo warranto petition nangangahulugan ito ng pagpataw ng disciplinary authority mula sa SC pero nakasaad sa 1987 constitution hindi maaaring magpatalsik sa pwesto ang alinmang sangay ng pamahalaan maliban na lamang sa Senado pagkaraan ng impeachment proceedings.

Maliban sa IBP naghain din ng mosyon sa SC ang Makabayan block.

Facebook Comments