Intel at evidence gathering sa EEZ ng Pilipinas lalo na sa WPS, hindi dapat ipagawa sa ating mga mangingisda

Kinontra ni House Deputy Majority Leader at Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred delos Santos ang ideya na ipagawa sa mga mangingisdang Pilipino ang misyon na mangalap ng mga ebidensya at intelligence ukol sa aktibidad ng mga barko ng ibang bansa sa karagatang sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas lalo na sa bahagi ng West Philippine Sea.

Ang pagtutol ni Delos Santos ay bunga ng pag-aalala na malalagay sa panganib ang mga mangingisda.

Katwiran pa ni Delos Santos, hindi trabaho ng mga mangingisda ang pagiging intelligence agents na bahagi ng tungkulin ng mga sundalo, professionals, at trained reservists.


Paliwanag ni Delos Santos, ito ang dahilan kaya nagdesisyon ang Kamara na ilipat sa Philippine Coast Guard at iba pang ahensyang nagbabantay sa WPS at EEZ ang confidential and intelligence funds dahil sila ang mga ahensyang nararapat mangalap ng ebidensya at intel.

Para kay Delos Santos, mas mainam na pakilusin ang PCG auxiliaries at military reservists kung kailangan ng PCG at Armed Forces of the Philippines ng dagdag na mga tao para kumalap ng evidence and intelligence.

Facebook Comments