Intel fund ng DENR, pinapagamit laban sa mga nanggugulo sa Masungi Georeserve

Iminungkahi ni Senator Raffy Tulfo sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na gamitin ang ₱13.9 million na intelligence fund nito para solusyunan ang gulo sa Masungi Georeserve sa Rizal.

Sa budget deliberation ng 2023 budget ng DENR, inirekomenda ni Tulfo na maaaring gamitin ng ahensya ang kanilang intel fund para alamin kung sinu-sino ang mga taong nanggugulo sa Masungi Reserve.

Matatandaang may mga ulat na ng diumano’y harassment at pag-atake sa mga tagapangalaga ng Masungi at nagtataboy sa mga residente roon.


Sinabi naman ni DENR Secretary Ma. Antonia Loyzaga, na kasalukuyan nang iniimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang usapin.

Nag-lagay na rin aniya ang Philippine National Police (PNP) ng detachment sa lugar para matiyak ang police visibility at mapanatili ang kaayusan doon.

Facebook Comments