Intel fund ng iba’t ibang ahensiya, bubusisiin ng Kamara kaugnay sa pagtakas ni Mayor Guo at sa iba pang high profile suspects

Bubusisiing mabuti ng House Appropriations Committee ang inteligence funds ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang matiyak na hindi nasasayang ang pera ng taumbayan.

Ayon kay committee chairman at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co, ito ay sa gitna ng pagtakas ni dating Bamban Mayor Alice Guo.

Binanggit din ni Co ang iba pang high profile suspects tulad ng kaso nina Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy at dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli.


Diin ni Co, nakakaalarma ang mga insidenteng ito na nagpapakita na tila hindi nagagamit ng maayos ang mga pondo para sa seguridad at pagpapatupad ng batas.

Giit ni Co, kailangang siguraduhin na ang bawat piso ng intelligence funds ay nagagamit nang tama at epektibo upang hindi na maulit ang mga ganitong sablay.

Facebook Comments