Intel funds ng mga ahensya, tiniyak ng Senado na bubusisiin ng husto

Siniguro ni Senator Sherwin Gatchalian na bubusisiin niya ng husto ang intelligence fund ng iba’t ibang law enforcement agencies para sa susunod na taon.

Ito ay dahil mas nauna pa ang tanggapan ni Senator Risa Hontiveros na makaalam sa kinaroroonan ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kesa sa mga law enforcement agencies gayong wala namang intel funds ang tanggapan ng mga senador.

Ayon kay Gatchalian, malaking tulong ang intelligence fund kapag nagagamit sa tama kaya’t hihingiin niya ang paliwanag ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kung paano nila ito ginagamit.


Malinaw na nagkaroon ng kakulangan sa panig ng mga ahensya sa kaso ng mga Guo dahil mas nauna pang nalaman at na-validate ni Hontiveros ang impormasyon na nakaalis na ng bansa sina Dating Mayor Alice Guo at pumasok sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa hearing ng Senado, ang Philippine National Police (PNP) Directorate for Intelligence ang unang nakakuha ng impormasyon sa pagtakas ng mga Guo at ipinasa sa Bureau of Immigration (BI).

Dismayado si Gatchalian dahil hindi agad ito ipinaalam ng BI sa pangulo at kay Justice Sec. Crispin Remulla.

Facebook Comments