Intel gathering at checkpoint operations, paiigtingin ng PNP kasunod ng pambobomba sa isang bus sa Tacurong City kahapon

Inalerto na ng Philippine National Police (PNP) ang Sultan Kudarat Police, matapos ang nangyaring pambobomba sa isang bus sa Tacurong City kahapon ng umaga kung saan 1 pasahero ang nasawi at 11 ang sugatan.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, ipinag-utos na ni PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., ang patuloy na hot pursuit operations laban sa mga responsable sa pagsabog.

Kaugnay nito, hinigpitan na ang seguridad sa lugar kasama na ang pagbabantay sa checkpoint sa mga border.


Nagsasagawa rin ng post-blast investigation ang Explosive and Ordinance Division ng PNP sa Tacurong City para matiyak na hindi na magkakaroon pa ng kasunod na pagsabog.

Sa inisyal na pagtaya ng PNP, extortion o pangingikil ang ugat nang pagpapasabog sa isang unit ng Yellow Bus Line.

Facebook Comments