Binuo na ng Senado ang Senate Select Oversight Committee on Confidential and Intelligence Funds.
Alinsunod ito sa senate resolution number 310 na inihain nina Senate President Tito Sotto III at Senator Panfilo Ping Lacson na pinagtibay ng mga senador.
Si Senator Lacson na Chairman ng Committee on National Defense and Security ang tatayo ding chairman ng oversight committee.
Itinalagang myembro nito buhat sa majority bloc sina Senators Christopher Bong Go, Ronald dela Rosa, Grace Poe at Nancy Binay.
napili namang miyembro nito mula minority bloc sina Senators Kiko Pangilinan at Risa Hontiveros.
ang paglikha ng komite ay natyempo sa paglutang ng akusasyon sa umano’y kwestyunableng pagpapalabas ni secretary gringo honasan ng 300-million pesos na intel at confidential fund ng department of information and communications technology.
Sa pambansang budget ngayong taon, ay mahigit P9.6 billion pesos ang kabuuang confidential and intelligence funds na nasa ibat ibang ahensya ng pamahalaan.