Manila, Philippines – Hiniling ni Senator Leila De Lima kay dating Police Senior Superintendent Eduardo Acierto na isapubliko ang hawak nitong intelligence report ukol sa umano’y pagkakasangkot sa ilegal na droga ni dating Presidential Economic Adviser Michael Yang.
Paliwanag ni De Lima, dapat masuri ng publiko at maisailalim sa beripikasyon ang nasabing dokumento.
Itinuturing ni De Lima na public interest matter ang intel report ni Acierto dahil ang idinadawit nito sa ilegal drugs operations ay personalidad na malapit sa Pangulo.
Nagtataka din si De Lima kung bakit wala pang aksyon ang mga otoridad hinggil dito gayong 2017 pa ito isinumite sa kanila ni Acierto.
Facebook Comments