Intel-report ng basehan ng pagpapalawig ng martial law, ipinasasapubliko

Manila, Philippines – Pinasasapubliko ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa Malacañang ang intelligence reports na basehan ng hirit na pagpapalawig ng martial law sa buong Mindanao.

Katwiran ni Recto, karapatan ito ng publiko na malaman basta’t hindi ito magdedetalye ng operasyon at magpapahamak sa tropa ng pamahalaan.

Aniya, ang mga dokumento at detalye na ibinigay sa kanila ng mga security officials sa isang closed door briefing ay hindi naman ganoon kadelikado kaya pwede rin itong i-bahagi sa taumbayan.


Idinagdag pa ng senador, magandang maging bukas sa tamang impormasyon ang mamamayan para alam at mapaghandaan nila ang naka-ambang panganib.

Facebook Comments