Manila, Philippines – Nanggaling mismo sa mga tauhan ng PNP sa Mindanao at sa kanilang intelligence unit ang impormaysyong may pagbabanta ng terorismo sa ilan pang panig ng Mindanao.
Ito ang naging basehan ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa para kumpirmahin ang bantang terorismo.
Dahil dito sinabi ni PNP Chief na dapat na maging mapagmatyag ang mga taga Mindanao upang mapigilan ang posibleng panggugulo ng mga ito.
Kahapon una nang kinumpirma ni PNP Chief Dela Rosa, na nakiusap ang maute terrorist group sa iba pang grupog terorista partikular sa Abu Sayyaf Group na maglunsad ng pagatake sa ilang lugar sa Mindanao upang lumuwag ang kanilang sitwayson sa marawi na ngayon ay patuloy pa rin ang kaguluhan.
Facebook Comments