Intel, sisimulan nang i-phase out ang Pentium at Celeron processors nito sa susunod na taon

Inanunsyo ng CPU at semiconductor manufacturer na Intel Corporation ang pag-phase out sa kanilang processors na Pentium at Celeron sa taong 2023.

Layon ng Intel na gawing simple na lamang ang kanilang CPU range at mabibigyan ng pagkakataon ang mga users na makapokus sa tamang processor batay sa kanilang pangangailangan.

Mababatid na ginagamit ang Pentium at Celeron sa mga entry-level desktop at laptop computers at ito rin ang processor na ginagamit ng ngayo’y kontrobersyal na overpriced DepEd laptops.


Mababatid na 29 years nang nasa industriya ang Pentium processor series habang 24 taon nang nakalilipas nang inilunsad ang unang Celeron processor.

Facebook Comments