Intellectual property rights litigation, mapapabilis na matapos ang pagrebisa ng Korte Suprema

Pinangunahan ni Supreme Court Chief Justice Peralta ang pagpapakilala sa publiko sa 2020 Revised Rules of Procedure for Intellectual Property Rights Cases (2020 IPR Rules).

Layon nito na mapabilis ang paglilitis sa mga kasong may kinalaman sa intellectual property rights.

Sinabi ni CJ Peralta sa kanyang keynote address sa Supreme Court En Banc Session Hall na ang 2020 IPR Rules ay produkto ng masigasig na konsultasyon at pagbusisi sa pagitan ng Judiciary at ng stakeholders mula sa iba’t ibang sektor, practitioners, academe at ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHIL).


Ang 2020 IPR Rules ay inaprubahan ng Supreme Court En Banc noong October 6, 2020 at naging epektibo nitong November 16, 2020 matapos ang kanilang publication.

Panahon na aniya na maibigay ang mabilis na hustisya para sa mga inventor at innovators, designers, artists, mga negosyante at kahalintulad, laban sa mga lumalabag sa intellectual property rights.

Kabilang pa sa mga nakapaloob sa 2020 IPR Rules ay pagkakaroon ng special commercial courts sa iba’t ibang lugar sa bansa na maaaring mag-isyu ng mga writs of search and seizure sa buong bansa at mapabilis ang pagproseso at pag-usad ng mga kaso.

Facebook Comments