Manila, Philippines -Iginiit ni Senate President KokoPimentel sa mga intelligence agencies ng pamahalaan na magpaliwanag sa halip namagbigay ng kung anu anong palusot sa serye ng mga pagsabog na nagaganap sabansa kung saan pinakahuli ay sa Quiapo, Maynila.
Binigyagn diin ni Pimentel na napakalaki ng pondongnakalaan sa mga intelligence agencies tulad ng Philippine National Police,National Bureau of Investigation, Armed Forces of the Philippines, at iba pa.
Bunsod nito ay nais ni Pimentel na idetalye ng nabangitna mga Intel Dept. kung paano nito ginagastos ang pondo at ano ang dahilan sakabiguang makakuha ng intelligence information kaya malayang naisasagawa angmga pagpapasabog sa ibat ibang panig ng bansa.
Ayon kay Pimentel, dapat pag-ibayuhin ng government’sintelligence agencies ang kanilang trabaho.
Banta pa ni Pimentel, hindi basta basta mapagbibigyan angihihirit na dagdag pondong nabanggit na mga intelligence agencies kung hindi ngmga ito maidedetalye ang kanilang ginagawa at hindi napigilan ang mga serye ngpagpapasabog at iba pang karahasan.
Ang pahayag ay ginawa ni Pimentel kasunod ng dalawangmagkasunod na pagsabog sa Quiapo, Maynila.
Maliban pa sa pag atake at pagsunod ng New People’s Armysa tatlong pasilidad ng Lapanday Foods Corporation Davao City.
Intelligence agencies ng pamahalaan, pinagpapaliwanag ng liderato ng Senado
Facebook Comments