
Patuloy ang pagbabantay ng intelligence community laban sa anumang impormasyon na may kinalaman sa tangkang pagpapabagsak sa gobyerno.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez, iba’t ibang sources ang pinagkukunan ng impormasyon upang maagapan ang anumang banta sa seguridad ng pamahalaan.
Gayunman, sinabi ni Gomez na wala pang kumpirmado o verified reports na may organisadong grupo na nagtatangkang agawin ang kapangyarihan.
Batay aniya sa ulat ng security sector, tuloy-tuloy ang pangalap ng mahahalagang impormasyon para matiyak ang katatagan ng pamahalaan.
Giit ng Kalihim, hindi binabalewala ng gobyerno ang anumang posibleng destabilization attempts dahil may mandato itong pangalagaan ang bansa at ang taumbayan.
Facebook Comments










