Intelligence fund ng mga ahensiya ng pamahalaan na sabit sa pagtakas ni dating Mayor Alice Guo, malalagay sa alanganin — Gatchalian

Nagbanta si Senador Sherwin Gatchalian na malalagay sa alanganin ang intelligence fund ng ilang ahensiya ng pamahalaan na sangkot sa pagtakas ni dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping.

Ayon kay Gatchalian, sa gagawing pagdinig sa Martes, aalamin niya sa Bureau of Immigration at sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kung papaano nakalabas ng bansa si Guo.

Aalamin niya rin aniya kung saan ginagamit ng mga ito ang kanilang intelligence fund.


Hindi aniya sapat na naaresto at naipa-deport lamang pabalik ng Pilipinas ang kapatid ni Guo na si Shiela Guo at si Cassandra Ong.

Facebook Comments