Intelligence funds ng senado at kamara mas malaki kaysa sa AFP at PNP, batay sa report ng COA

Manila, Philippines – Mas malaki pa ang intelligence funds ng senado at kamara kumpara sa Defense Department, Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Ito ang lumabas sa 2016 audit report ng Commission on Audit.

Base sa report ng COA, ang kabuuang nagugol na intelligence funds ng Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Airforce ay 115.7 million pesos noong 2016.


Ang Department of National Defense naman ay umabot sa 10.7 million ang intelligence funds noong nakaraang taon.

Samantalang ang sa AFP general headquarters ay 140.6 million at ang sa PNP ay 252.5 million pesos.

Malaki ang lamang dito ng confidential, intelligence at extraordinary expenses ng senado noong 2016 na umabot naman ng 298 million.

Pero higit na mas malaki ang sa kamara na umabot naman ng 1.4 billion pesos.

Facebook Comments