Intelligence gathering ng NCRPO sa Metro Manila, lalo pang palalakasin

Mas palalakasin pa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang intelligence gathering sa Metro Manila.

Ito ay matapos mahuli sa isang buy-bust operation ang isang pulis-Maynila na naaktuhan pang gumagamit ng shabu.

Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, dapat malaman kung sino pa sa mga pulis ang sangkot sa droga.


Kasabay nito, nanawagan din si Eleazar sa publiko na makipagtulungan sa mga pulis para isumbong ang mga pasaway nilang kabaro.

Facebook Comments