Intelligence information sharing, mas pinaigting kontra panggugulo ng NPA sa SONA

Manila, Philippines – Pinaiigting ng Armed Forces of the Philippines ang kanilang intelligence information sharing sa ibang mga intelligence agencies ng pamahalan upang mas maprotektahan ang publiko sa bantang pangugulo ng New People’s Army.

Ito ay sa harap na rin ng pahayag ni PNP chief Dir. Gen. Ronald Bato Dela Rosa na aatakehin ng NPA ang buong bansa sa araw ng SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo Lahat ng intel report na kanilang nakuha mula sa ibat ibang intel agencies ay kanilang nililikom upang maging gabay sa pagsasagawa ng operasyon.


Sa huli sinabi ni pa ni Arevalo sa harap ng mga pagbabantang ito mahalaga ang kooperasyon at pagiging mapagmatyag ng publiko para mapigilan ang mga posibleng panggulo ng anumang grupo.

Facebook Comments