Palalakasin pa ng Philippine National Police ang kanilang intelligence monitoring kasunod ng naganap na serye ng pagsabog sa Sri Lanka kung saan namatay ang mahigit 200 katao at pagkasugat mahigit 700.
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang naganap na pagsabog sa Sri Lanka ay resulta ng patuloy na operasyon sa Syria kung saan ang mga miyembro ng ISIS doon ay malaki ang posibilidad na nakakalat na sa ibat ibang lugar sa buong mundo kasama na ang Pilipinas.
Dahil dito paiigtingin nila ang Intelligence monitoring upang mapigilan ang anumang planong terrorist act sa bansa.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang PNP sa pamilya ng mga nasawi sa pagsabog maging sa kanilang international law enforcement community.
Sinabi ni Albayalde bilang kaibigang bansa ng Sri lanka gagawin ng PNP ang lahat ng kanilang maitutulong.