Intelligence report na natanggap ni dating Sen. Juan Ponce Enrile na may mga grupo sa Amerika at Pilipinas na planong mamahiya kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., inaalam na ng DILG

Wala pang kumpirmasyon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa intelligence report na natanggap ni dating Senador Juan Ponce Enrile na may mga grupo sa Amerika at Pilipinas na planong mamahiya kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa press conference sa Kampo Krame ay sinabi ni DILG Sec. Eduardo Ano, na beberipikahin pa nila ang naturang report.

Gayunman, kanyang sinabi na handa sila at ang Philippine National Police (PNP) na magbigay seguridad kay Marcos.


Mino-monitor din umano nila ang lahat ng grupo na pwedeng manggulo kay Marcos kasama na ang CPP-NPA.

Kaugnay nito, sinabi pa ni Año na nakalatag na ang seguridad para sa inagurasyon ng mga susunod na lider ng bansa.

Facebook Comments