Inter-Agency approach, ikinakasa para pigilan ang recruitment ng Communist Front Groups sa mga eskwelahan sa Region 8

Isang Inter-Agency approach ang inilalatag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict’s (NTF-ELCAC) upang masustini ang nakamit na peace and Development project sa Region 8.

Layon nito na makapagpatupad ng information drives sa mga eskwelahan at mapigilan ang radikal na transpormasyon ng mga estudyante ng mga leftist organization.

Ito ang iniulat ni Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Eduardo Del Rosario, matapos siyang magsalita sa NTF-ELCAC sa Visayas Region.


Si Del Rosario ay siyang Cabinet Officer for Regional Development and Security 8 at pinuno ng Regional Task Force 8.

Sinabi ng DHSUD Chief na binubuhusan ngayon ng pamahalaan ang Development project sa Visayas Region dahil ito ang susi sa peace and security sa Visayas Region.

Mahalaga aniya na may balanseng approach sa aspeto ng development at security sa pamamagitan ng platform ng good governance.

Pinapurihan ni Del Rosario ang mga local chief executives, militar at mga police official dahil sa kanilang coordinated efforts upang magkaroon ng kapayapaan at pag-unlad sa rehiyon.

Hinimok niya ang mga ito na isustini ang mga nakamit sa Peace and Development sa Visayas Region.

Facebook Comments