Inter-agency meeting, isasagawa ng PNP ngayong araw bilang paghahanda sa Semana Santa

Pangungunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang Inter-agency meeting ngayong araw.

Layon nitong matiyak ang latag ng seguridad para sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, nais kasing masiguro ni Acorda na magiging maayos at mapayapa ang nalalapit na Holy week break.


Una nang sinabi ng PNP na magde-deploy sila ng 34,000 na mga pulis sa iba’t ibang panig ng bansa.

Tututukan aniya ng mga pulis ang major transportation terminals, areas of convergence, tourist spots maging ang mga simbahan.

Kasama ring ide-deploy ang 7,000 trained tourist police sa kilalang tourist destinations at pagtatatag ng Police Assistance Desks sa mga matataong lugar.

Samantala, nakatakda ring mag-ikot si Acorda sa iba’t ibang areas of convergence gaya ng mga paliparan, pantalan gayundin sa bus terminals.

Habang pinaghahandaan ang nakatakdang change of command ceremony para sa papalit kay Gen. Acorda na susunod na mamumuno sa Pambansang Pulisya.

Kung maaalala, pinalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang termino ni Acorda hanggang March 31,2024.

Facebook Comments