Inter-agency task force na magpapabilis ng land conversion process, isinusulong

Manila, Philippines – Isinusulong ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pagbuo ng isang inter-agency task force na siyang magpapabilis ng pagpoproseso ng land use conversion.

Ayon kay DAR Undersecretary for Legal Affairs Luis Pangulayan – ang land conversion process ay nakasaad sa batas partikular sa Section 65 ng Republic Act 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Program.

Aniya, pinapayagan ang land conversion kung ang lupa ay hindi na economically feasible at hindi na mapapakinabangan para sa agrikultura.


Dito ay maaring magamit ang lupa sa ibang paraan gaya sa pamamagitan ng residential, industrial o commercial use.

Una nang sinabi ni DAR Secretary John Castriciones na mag-iisyu ang ahensya ng joint memorandum circular na layong pabilisin ang pagpoproseso ng land conversion sa loob ng 30 working days.

Facebook Comments