Manila, Philippines – Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) na magtatatag sa Zero Hunger Inter-Agency Task Force.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, sa ilalim ng EO, target ng pamahalaan na mabigyang solusyon ang kahirapan sa bansa pagsapit sa taong 2030 at mapabilis ang pagtugon ng pamahalaan sa kakulangan ng pagkain.
Aniya, 36 na mga ahensya ng pamahalaan ang magtutulung-tulong para sa naturang programa.
Tinatayang aabot sa 2.4 milyong pamilyang Filipino ang nakararanas ng pagkagutom noong 2018 kung saan 13.7 milyong bata ang undernourished.
Facebook Comments