Pinabubuhay ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng Department of Foreign Affairs (DFA) tulad noong siya pa ang kalihim ng ahensya.
Ayon kay Cayetano, sa pamamagitan nito ay magkakaroon ng mas malinaw na koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya upang tugunan ang pangangailangan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) lalo na ngayong mayroong pandemic.
Kasama rin aniya sa mga bumubuo ng naturang Inter-Agency ang mga dating kalihim ng DFA at Department of Labor and Employment (DOLE).
Samantala, sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts ay nagpasalamat si Cayetano sa DFA at DOLE sa pagtalima nila sa hiling ng Kamara na mapauwi ang mas maraming distressed OFW bunsod ng COVID-19.
Kung matatandaan noong huling pagdinig ay nangako ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na wala nang magiging limitasyon sa repatriation flights ng mga OFW.