Inter-Agency Technical Working Group on motor taxi, tinawag na bully ang Angkas

Tinawag na bully ng Inter-agency Technical Working group  ang angkas.

 

Ayon kay TWG consultant Bert Suansing, nagpakita ng pagka-arogante ang Angkas ride-hailing service dahil sa pag- alma nito sa inilabas na 39,000 cap o bilang ng dapat ay mapasama lamang kada isang transport network companies.

 

Ito’y sa harap ng pag-aaral pa lamang ang ginagawa ng gobyerno kung papayagan nang gamiting taxi ang isang motorsiklo.


 

Sa katatapos na Press Conference sa punong-tanggapan ng LTFRB, iginiit naman ni LTFRB Board member Antonio Gardiola at Chairman din ng TWG na mistulang nanloloko na umano ang Angkas dahil sa pangggalit nito sa publiko.

 

Sabi ni Retired Gen. Gardiola na sa halip na negosyo muna ang mangibabaw, dapat munang pag-usapan kung paano mapagbubuti ang motor taxi bilang bagong planong mode of transport sa bansa.

 

Aminado ang TWG na hindi pa na nila kayang imonitor kung ilan na talaga ang mga motorsiklo na ginagamit ngayon na pampasada bilang motor taxi.

 

Sa pagbubukas ng registration ng twg para sa motor taxi ngayong araw, aabot na sa 2,204 ang nagpaparehistro sa Angkas, 1,169 para sa joy ride habang 1,139 naman sa move it.

Facebook Comments