Inter-Barangay Sports Competition sa Cauayan City, Magsisimula na Ngayong Araw!

*Cauayan City, Isabela-* Pormal nang sinimulan ngayong araw, May 25, 2019 ang Inter-Barangay Sports Competition sa Lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Jonathan Medrano, Cauayan City Sports Development Officer, tulad ng kinagawian aniya ay magmamartsa ang mga manlalaro at masasaksihan ang ilang mensahe mula sa mga bisita at pormal na sisimulan ang nasabing laro.

Dagdag pa ni Medrano, handang handa ang mga manlalaro dahil mahaba ang kanilang ginawang preparasyon upang maging matagumpay ang pagsisimula ng nasabing aktibidad sa Lungsod.


Magtatagisan anya rito ang mga manlalaro sa larangan ng Basketball at Volleyball Tournament.

Sinabi naman ni Ginoong Kevin Charles Babas, Volleyball trainor at Tournament Director na mga technical issues sa bawat laro ang kanilang ipinababatid sa mga coaches upang higit na malaman ng mga manlalaro ang kanilang mga dapat gawin at sundin gaya ng tamang suot ng mga kalahok.

Kaugnay nito, kasalukuyang nagaganap ang nasabing kompetisyon sa F.L DY Coliseum, Cauayan City, Isabela.

Facebook Comments