North Korea – Tinanggap na ng North Korea ang proposal ng South Korea na personal na mag-usap ang mga matataas na opisyal nito matapos ang mahigit dalawang taong walang ugnayan.
Nakatakda ang nasabing pag-uusap sa darating na Martes, January 9 pagkatapos ng kaarawan ni North Korean Leader Kim Jong Un sa Peace House sa Village of Panmunjom.
Sinasabing pag-uusapan ng dalawang bansa ang pagpapalakas sa Inter-Korean Relationships kasama na din ang nalalapit na Pyeongchang Olympic Games.
Sa ngayon, pina-plantsa na lamang ng mga delegado ang nasabing pag-uusap at umaasang walang magiging problema sa schedule ng mga opisyal.
Facebook Comments