Manila, Philippines – Tuloy na tuloy ang IntercessionalRegional Economic Partnership Trade Negotiating Committee meeting na sinimulan ngayong araw sa Panglao, Bohol.
Sa kabila ito ng nangyaring bakbakan sa Inabanga, Bohol kaugnayng nabigong pagsugod ng teroristang Abu Sayyaf Group na ikinamatay ng ilan nitong miyembro at ilan din sa hanay ng gobyerno.
Ayon kay Ambassador Marciano Paynor, Chairman ng ASEAN Philippines National Organizing Committee — wala silang nakikitang dahilan para hindi ituloy ang nasabing pulong sa Bohol.
Aniya, bago ang pulong ay nagsagawa na ng inspeksyon angmga otoridad para tiyakin ang seguridad ng mga dadalo habang nakatutok na rinngayon ang security officials ng pamahalaan.
Pero sakaling kailanganin, mayroon din aniya silang contingency plan para rito.
Sa Biyernes, April 21 magtatapos ang nasabing pulong.
Intercessional regional Economic Partnership Trade Negotiating Committee Meeting sa Bohol, tuloy matapos ang nabigong paglusob ng teroristang Abu Sayyaf Group sa lalawigan
Facebook Comments