Interes ng mga Pilipino sa bisikleta, tumaas sa gitna ng COVID-19 pandemic ayon sa Google

Naitala ng Google Philippines ang “all-time high” na search interest ng mga Pilipino sa bisikleta sa harap ng COVID-19 pandemic.

Ang Google searching sa bisikleta sa Pilipinas ay pinakamataas na naitala mula pa noong 2004 hanggang nitong nakaraang buwan.

Sa kanilang trending report, ibinahagi ng Google na madalas na sine-search ng mga Pinoy sa kanilang platform ang mga termino o salita na may kinalaman sa bisikleta nitong Mayo.


“Mountain Bikes” ang madalas na sine-search sa ilalim ng bicycle category, kasunod ang “bike shop,” “trinx bike,” “E-bike,” at “bike parts.”

Pasok din sa mga nagungunang search ay “bike for kids,” at “bike trainer.”

Nabatid na limitado ang pampublikong transportasyon bunsod ng ipinapatupad na quarantine restrictions para maiwasan ang pagkalat ng virus.

Facebook Comments