Interes ng Pilipinas, matagumpay na naisulong ni PBBM sa pakikipagpulong sa US at Japan

 

Ibinida ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na isang tagumpay ang pagbibigay ng katiyakan ng Estados Unidos at Japan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na suporatdo ng mga ito ang interes at soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi nito ni Romualdez kasunod ng Joint Vision Statement nina US President Joe Biden, Japan Prime Minister Fumio Kishida at Pangulong Marcos na kumokondena sa ginagawang panggigipit ng coast guard ng China at mga barkong pangisda sa mga Pilipino sa WPS gayundin ang militarization ng mga reclaimed features sa lugar.

Sa Joint Vision statement ay inihayag ng tatlong leader ang lumalala at paulit-ulit na panggigipit ng China sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas, sa malayang paglalakbay sa karagatan, gayundin ang paghadlang sa pagdadala ng suplay ng pangangailangan sa Second Tomas Shoal na isang mapanganib na hakbang at nagpapalala sa sitwasyon.


Binigyan diin ng tatlong lider na pinal at legally binding at dapat kilalanin ng China ang Arbitral Tribunal ruling sa Second Thomas Shoal (Ayungin Shoal) na nagsasabing sa Pilipinas ang WPS na nasa loob ng ating Exclusive Economic Zone.

Ayon kay Romualdez, nakapaloob din sa pahayag ang mariing pagtutol sa anumang balak ng China na pwersahang baguhin ang status quo sa East China, sa pamamagitan ng mga hakbang na guluhin ang matagal nang pamamahala ng Japan sa Senkaku Islands.

Dagdag pa ni Romualdez, nananawagan din sina Biden, Kishida at Marcos sa pananatili ng kapayapaan at katatagan hanggang sa Taiwan Strait, na isang katunayan ng pandaigdigang seguridad at kasaganaan.

Sinabi ni Romualdez na sa talumpati ni US President Biden sa trilateral meeting ay binigyan diin nito na anumang pag-atake sa eroplano, sasakyang pandagat o sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa South China Sea ay agad na ipatutupad ang Mutual Defense Treaty.

Facebook Comments