Interes sa pautang ng OWWA sa OFWs, pinababawasan ni Senator Sonny Angara

Ipinaalala ni Senator Sonny Angara sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mandato nitong magkaloob ng abot-kayang pautang sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Pahayag ito ni Angara makaraang lumabas sa pagdinig ng senado na 7.5 percent ang ipinapataw na tubo ng OWWA sa pautang sa mga OFW sa pamamagitan ng Landbank of the Philippines.

Diin ni Angara, ang nabanggit na interes ay kapantay na sa pribadong bangko at labag sa OWWA Act of 2016.


Sinabi naman ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na naisangguni na nila ang usaping ito sa LandBank at umaasa silang magkakaroon ng kasagutan ito sa muli nilang pag-uusap.

Giit ni Angara, dapat tulungan ng OWWA na makahanap ng alternatibong pagkakakitaan ang mga OFW na naapektuhan ng COVID-19 crisis sa pamamagitan ng low intrest loans.

Facebook Comments