Interesado umano ang One Championship na dalhin sa Pilipinas ang sunod na laban ni WBA Welterweight Champion Manny Pacquiao.
Kasunod ito ng pagbabalik ng Pinoy ring icon sa Global Boxing Limelight matapos na manalo kay Lucas Matthysse ng Argentina.
Sa isang interview, hinimok ni One Championship Founder Chatri Stiyodtong si Pacquiao na dito sa Pilipinas depensahan ang kanyang bagong titulo para naman daw mabigyan ng mega fight ang mga Filipino boxing fans.
Nauna nang inanunsyo ni Pacquiao na sa December 2 mangyayari ang sunod niyang laban.
Nabatid na pinalawak ng Singapore-based mixed martial arts and kickboxing promotion ang kanilang coverage sa lahat ng combat sports.
Pumirma na ito ng deal para i-co-promote ang laban ng isang Thai WBC World Super Flyweight Champion at ngayon, target din nilang makakuha ng deal sa MP Promotions ni Pacquiao.