Posibleng tumaas ang interest rate ng bansa sa susunod na buwan kasunod ng 6.1% na headline inflation nitong Setyembre.
Ito ang pagtataya ng Bangko Sentral ng PIlipinas (BSP) kung saan maaari anilang nasa 25-basis point ang rate hike ngayong Nobyembre.
Matatandaang nauna nang nagbabala ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa negatibong epekto ng sunod-sunod na paghihipit ng monetary policy.
Ayon kay BSP Governor Eli Remolona Jr., hindi naman nagkakalayo ang pananaw nila ng NEDA at ibabase nila ang kanilang desisyon sa datos ng inflation.
Paliwanag pa ni Remolona na sa tingin niya ay nais lamang ng NEDA na maghinay-hinay sa pagtataas ng interest rates.
Itinakda naman sa November 16 ang pulong ng monetary board hinggil dito.
Facebook Comments