Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nananatili ang interest rates sa bansa sa 2%.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, sa harap ito ng patuloy na pagsigla ng ekonomiya ng Pilipinas kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga nababakunahan kontra COVID-19.
Iniulat din ni Diokno na ang target nilang average inflation ay nasa pagitan ng 2 hanggang 4%.
Gayunman, posible aniyang bahagyang tumaas ang inflation sa mga susunod na araw dahil sa pagtaas ng presyo ng langis sa buong mundo.
Pero bababa rin aniya ang inflation sa ikalawang semester at lalo pang lalakas ang ekonomiya ng bansa.
Kumpiyansa rin ang BSP na bababa sa Alert Level 1 ang buong bansa sa ikalawang bahagi ng taon.
Facebook Comments