Isasagawa sa lalawigan ng Maguindanao ang dalawang araw na Interfaith Security and Economic Summit na nagiimula ngayong araw hanggang bukas.
Ayon kay Maguindanao Governor . Esmael ‘Toto’ Mangudadatu na pinakalayunin ng 2 araw na aktibidad na mapakinggan ang mga saloobin at suhestiyon mula sa iba’t ibang sektor bilang paghahanda ng provincial government sa banta sa seguridad ng probinsya.
Kasama rin sa pakikinggan ang opinyon at mungkahi ng mga religious leaders at elders upang mas maging epektibo ang mga gagawing hakbang ng lokal na pamahalaan katuwang ang pulis at militar para sa kaligtasan ng mga mamamayan ng lalawigan ng Maguindanao.
Sinabi pa ni Gov. Mangudadatu na kabilang sa pag-uusapan ang tungkol sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga at ang mga hakbang para sa pagsulong ng ekonomiya ng probinsiya.( Amer Sinsuat)
Interfaith Security and Economic summit isasagawa sa Maguindanao
Facebook Comments