Interim analysis sa safety, efficacy ng COVID-19 vaccine mixing at matching, ilalabas sa Setyembre o Oktubre – VEP

Posibleng mailabas sa Setyembre o Oktubre ngayong taon ang interim analysis ukol sa pag-aaral sas safety at efficacy ng mixing at matching ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Vaccine Experts Panel (VEP) Chairperson Dr. Nina Gloriani, pinag-aaralan ng panel ang mga isinasagawang pananaliksin sa ibang bansa ukol sa safety at immunogenicity ng magkakaibang vaccine brands.

Kabilang sa mga pinag-aaralan ay ang pag-partner ng AstraZeneca at Pfizer COVID-19 vaccines.


“Hindi pa natin papayagan yun, pero pinag-aaralan namin halos linggo linggo, inaaral namin ang resulta sa ibang countries. Of course, gusto natin mahintay itong sa atin mismo, lalabas yan September or October,” ani Dr. Gloriani.

Muling inihayag ni Dr. Gloriani na hindi nila inirerekomenda sa ngayon ang booster shots dahil sa limitado pa ang supply ng bakuna sa bansa.

Facebook Comments