Interim joint ceasefire sa pagitan ng gobyerno at ng makakaliwang grupo, pormal nang nilagdaan

Manila, Philippines – Nilagdaanna ng gobyerno at National Democratic Front (NDFP) ang interim joint ceasefiresa kasagsagan ng ikaapat na round ng peace talks sa the Netherlands.
 
Ayon sa Office of the PresidentialAdviser on the Peace Process (OPAPP), mananatiling ‘interim’ ang ceasefirehangga’t wala pang permanenting tigil-putukan na naitataguyod sa ilalim ng ComprehensiveAgreement on end of Hostilities and Disposition of Forces.
 
Magiging epektibo angnaturang interim ceasefire sa oras na maaprubahan na ang mga guidelines atground rules ukol dito.
 
Sakop ng guidelines ayang mga lugar kung saan naroon ang presensya ng mga armadong grupo at angpagbuo ng mga buffer zones, ang pagbabawal sa mga hostile at provocative actstulad ng pangongolekta ng revolutionary taxes at ang pagsasagaw ng jointsocio-economic projects.
 
Kasama din sa naturangkasunduan ay ang pagbuo ng joint ceasefire committee at ang pagkakaroon ngthird party sa para sa pag-monitor ng ceasfire at iba pang mekanismo sapagpapatupad nito kabilang ang paghawak sa mga reklamo at mga umanoy paglabag.
 
 

Facebook Comments