Ilulunsad na ngayong araw ang interim operations ng Automated Fare Collection System (AFCS) ng Department of Transportation (DOTr) at Landbank of the Philippines.
Ito ay upang mahanda ang bansa tungo sa pagpapabuti at modernisasyon ng urban public transportation system sa bansa.
Kaugnay nito ay isasagawa ang paglulunsad nito sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) mamayang 2PM sa pangunguna nina Transportation Undersecretary Cesar B. Chavez, Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairperson (LTFRB) Cheloy E. Velicaria-Garafil, Landbank President at CEO Cecilia C. Borromeo kasama ang mga public transport operators.
Maliban rito ay isang ceremonial signing ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng mga ahensyang nabanggit ang magaganap ngayong araw.
Lahat ay inaanyayahan na makilahok via livestream sa Facebook pages ng DOTr at Landbank.