Interim Peace Agreement, Dapat Ipakonsulta sa Taumbayan-Sec. Silvestre Bello III

Cauayan City, Isabela- Nabigyan muna ng tatlong buwan ang GRP Peace Pannel upang konsultahin ang taumbayan matapos isumite ang Interim Peace Agreement (IPA) kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Communist Party of the Philippine – New People’s Army National Democratic Front o CPP-NPA-NDF at ng gobyerno ng Pilipinas.

Sa naging eksklusibong panayam ng RMN Cauayan kay Sec. Silvestre “Bebot” Bello III ng Department of Labor and Employment at pinuno ng Peace Pannel ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) kung saan tuloy pa rin ang usapang pangkapayaan ng dalawang panig.

Una rito, inihayag umano ng Pangulo na bago pa nito mapirmahan ay kailangan munang konsultahin ang taumbayan, ang kongreso at ang korte suprema kung papasa ito sa legality at Constitutionality upang hindi nanaman makwestyon sa korte suprema.


Sa ngayon ay hindi pa umano nila nasisimulan ang kanilang konsultasyon sa mga probinsya dito sa ating bansa para sa naturang Interim Peace Agreement subalit nakatakda umano silang magsimula nitong ikatlong linggo ng Hulyo.

Samantala, Pabor naman si Sec. Bello sa naging desisyon ng Pangulo na kung itutuloy man ang Peacetalks sa pagitan ng dalawang panig ay dapat dito sa bansa gawin ang pag-uusap at hindi na sa ibang bansa dahil ang away lang naman ay sa pagitan rin ng mga Pilipino.

Facebook Comments