Abalos, may babala sa local officials na masasangkot sa illegal POGO

Nagbabala si Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. sa mga local government chief executives na masasangkot sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni Abalos na nagbaba na sya ng memorandum circular na nag aatas sa Philippine National Police at local government units na magkatuwang na labanan at puksain ang ilegal POGOs sa bansa.

Base sa talaan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) nasa 43 lang ang legal na POGO sa bansa at nasa 100 ang iligal ngunit patuloy pa ring nag-o-operate.


Ayon kay Abalos sinumang local officials na mapapatunayang nakikipag-sabwatan o  protektor ng iligal na POGO ay tyak na makakasuhan.

Tulad aniya ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na una nang sinuspinde ng Office of the Ombudsman at kinasuhan ng grave misconduct, serious dishonesty, gross neglect of duty and conduct prejudicial to the best interest of the service dahil sa umano’y koneksyon nito sa scam farm na Zun Yuan Technology Incorporated.

Facebook Comments