Internal Affairs Service, pinaaalis sa kontrol ng PNP

Pinaaalis sa kontrol at pamamahala ng Philippine National Police (PNP) ang Internal Affair Service (IAS) at sa halip ay ilipat ito sa pamamahala ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Layunin ng House Bill 3065 ni PBA Partylist Representative Jericho Nograles na amyendahan ang Republic Act 8551 o Philippine National Police Reform Reorganization Act of 1998 na nagtatatag sa IAS bilang hiwalay na chain of command ng PNP.

Dapat aniyang malaya ang IAS sa anumang impluwensya, pressure at pakikialam mula sa Chief PNP at iba pang mataas na opisyal ng institusyon.


Hiniling din ang pagkakaroon ng sariling organizational hierarchy ng IAS na pamumunuan ng inspector general at pagtatatag ng regional, provincial, city at municipality offices sa buong bansa.

Layon din ng panukala na magkaroon ng recommendatory powers ang IAS pagdating sa selection at promotion ng PNP personnel, pagtulong sa Office of the Ombudsman at iba pang PNP Disciplinary Offices sa mga kasong kinakasangkutan ng mga pulis at pagrekomenda sa witness protection program (WPP) ng DOJ sa mga testigo ng PNP.

Facebook Comments