Manila, Philippines – Inihayag ni PNP Chief Ronald dela Rosa na bumaba ang bilang ng mga police scalawags sa bansa .
Sa kanyang talumpati sa flag raising ceremony sa camp crame, sinabi ni dela Rosa na mismong ang PNP counter intelligence task force ang nag-report sa kanya ng pababa ng bilang mga pulis.
Ayon kay dela Rosa, ibig sabihin nito ay naging epektibo ang ikinasang internal cleansing ng Philippine National Police laban sa mga police scalawags.
Pero, nagbabala si dela Rosa sa mga natitira pang police scalawags sa kanilang hanay na hindi sya titigil na ubusin ang mga ito kahit sa pa huling segundo ng kanyang pagre-retiro sa PNP.
Aniya, handa niyang pamunuan ang vigilante group laban sa police scalawags.
Facebook Comments