Internal Cleansing, mahigpit na ipatutupad ng PDEA

Binigyang diin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mahigpit na ipatutupad ang internal cleansing para mawalis sa ahensya ang mga tauhang hindi kanais-nais.

Nabatid na inaresto si Florencio Dolatre Jr., isang PDEA agent, ng pinagsamang puwersa ng pulisya at PDEA operatives sa ikinasang buy-bust operation noong November 1, 2020.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, lumalabas sa counter-intelligence reports na sangkot sa illegal drug activities si Dolatre.


Masusing imbestigasyon na ang isinasagawa kay Dolatre at sa mga kakuntyaba nito sa illegal drug trade.

Nanindigan si Villanueva na hindi nila palalagpasin ang anumang ilegal na gawain ng kanilang mga tauhan dahil masisira lamang nito ang kredibilidad at reputasyon ng ahensya.

Facebook Comments