INTERNAL CLEANSING | Mga police scalawags, paunti na nang paunti – PNP Chief

Manila, Philippines – Kinumpirma ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na paunti nang paunti ang mga police scalawags.

Ito ay kasunod pa rin ng agresibong internal cleansing ng Pambansang Pulisya matapos masangkot sa mga kontrobersiya partikular na sa illegal drugs activities.

Ayon kay Dela Rosa – sa hawak nilang datos mula sa Counter-Intelligence Task Force (CITF), bumaba ang bilang ng mga inirereklamong pulis.


Mula aniya sa daan-daang tawag at text na natatanggap bawat araw, aabot na lamang ngayon sa two-digit number ang kanilang nakukuha.

Apela ni Dela Rosa sa mga tauhan ng PNP na magpokus sa trabaho lalo na sa paghabol sa mga kriminal para matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Facebook Comments