Internal cleansing ng Police Regional-10, nagpapatuloy laban sa mga kasamahang gumagamit ng iligal na droga

Cagayan De Oro, Philippines – Magpapatuloy diumano ang isinasagawang internal cleansing ng Police Regional Office 10, laban sa mga kasamahan nito na gumagamit ng ipanagbabawal na gamot at nasasangkot sa anomalya.

Ayon kay General Agripino Javier, ang Regional Director ng PRO-10 na may mga nag positibo sa pag gamit ng ipinagbabawal na gamot, kung kaya’t ang ilan sa mga ito ang sinampahan nan g kaukulang kaso.

Samantala, may mga chief of police na ini-relieve sa kanilang mga pwesto dahil sa mababang bilang ng kanilang mga police operation.
DZXL558


Facebook Comments