Internal cleansing o sibakan sa presidential appointees, pinabulaanan ng Malacañang

Pinabulaanan ng Palasyo ng Malacañang na may internal cleansing o sibakan sa mga itinalagang opisyal noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos kumalat ng isang memorandum kahapon online, kung saan pinagsusumite ng requirements ang presidential appointees.

Lumutang ang mga ispekulasyon na may napipintong sibakan sa gitna ng tensyon sa pulitika, partikular ang palitan ng mga pahayag nina dating Pangulong Duterte at Pangulong Bongbong Marcos.


Ayon kay Presidential Communication Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, walang basehan ang mga naturang spekulasyon.

Sa katunayan nga aniya, kasama rin siya sa kinakailangang magsumite ng mga dokumento.

Iginiit ni Garafil na ang kautusan ay walang halong pulitika at para sa lahat ng itinalaga sa pwesto.

Ito aniya ay isang performance review para matiyak ang kanilang pananatili sa pwesto.

Facebook Comments